MANILA, Philippines — Ang Coalition for Good Governance in Philippine Sports, sa pamumuno ni Lt. Gen. Charly Holganza, at Swim Pilipinas, ang bagong grupo ng mga elite swimmers, ang bibisita sa 21st “Usapang Sports” by the Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros.
Ilalatag ni Holganza, ang lead convenor ng grupo, ang kanilang kampanya sa paghahanap ng hustisya sa Philippine Olympic Committee (POC) sa ngalan ng apat na national sports associations na tinanggal noong 2011 hanggang 2016.”
Makakasama ni Holganza sa pang alas-10 ng umagang public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks at isinasaere sa Facebook live ng Glitter Livestream si Engr. Guillermo Mallillin ng Philippine Bowling Congress.
Kabuuang 17 outstanding swimmers mula sa Swim Pilipinas, sa pangunguna nina dating TOPS “Athlete of the Month” awardee Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula, ang dadalo rin sa sesyon para sa kanilang paglangoy sa 30th Southeast Asian Games.
Sasamahan sila nina coach Virgie De Luna at manager Joan Mojdeh.
Dadalo rin sina Burn Soriano at Laurence Canavan ng Cage Gladiators para sa mga balita sa mixed martial arts.