Heat inupuan ang no. 8 place

Naghanap ng malulusutan si Goran Dragic ng Miami nang masukol ng mga Dallas players.

MIAMI — Kitang-kita ang subplots.

Si Goran Dragic laban kay rookie Luka Doncic sa unang pagkakataon at si Dwyane Wade kontra kay Dirk Nowitzki sa huling pagkikita nila.

Sa harap ng 2,000 Slo­ve­nian fans sa stands, ku­molekta si Dragic ng 23 points, 12 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika­lawang career triple-double para akayin ang Heat sa 105-99 panalo la­ban sa Dallas Mavericks.

Muling inupuan ng Mia­mi (37-38) ang eighth place sa Eastern Confe­rence.

“It felt like we were in Ljubljana,” wika ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra sa pagtukoy niya sa Slovenian capital.

Inungusan ng Miami ang Orlando Magic (37-39) para sa final playoff spot sa East standings.

Sinapawan ni Dragic ang kapwa Slovenian na si Doncic sa una nilang head-to-head meeting.

“He’s the old Don and Luka is the new up-and-coming,” wika ni Wade kay Dragic. “So it was great to see him play that way.”

Tumapos si Doncic na may 19 points para sa Mavericks, habang nagtala si Nowitzki ng 13 markers.

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Anteto­kounmpo ng 34 points at 9 re­bounds bago nilisan ang laro bunga ng lower leg in­jury sa 128-118 paggupo ng Bucks sa Los Angeles Clippers.

Tinapos ng Milwaukee ang six-game winning streak ng Los Angeles.

Nagkaroon si Anteto­kounmpo ng right ankle in­jury matapos ang kanyang dunk sa 7:46 minuto ng fourth period.

Sa New York, humataw si Pascal Siakam ng 31 points para pamunuan ang Raptors sa 117-92 paggiba sa Knicks at walisin ang ka­nilang season series.

Ipinahinga ng Toronto si star forward Kawhi Leo­nard kagaya ng ka­nilang gi­nawa sa 128-92 home win nila laban sa New York no­ong Marso 18.

Show comments