Petron kukumpletuhin ang 14-game sweep

Hindi maawat ang Petron na sumulong sa 13-0 rekord matapos payukuin ang Sta. Lucia Realty, 25-21, 25-12, 25-20, noong Huwebes.
facebook

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang Petron na mawalis ang eliminasyon sa pagsagupa sa United Volley Club sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Blaze Spikers at United VC sa alas-6 ng gabi, habang magkukrus naman ang landas ng F2 Logistics at Foton sa alas-4 ng hapon.

Hindi maawat ang Petron na sumulong sa 13-0 rekord matapos payukuin ang Sta. Lucia Realty, 25-21, 25-12, 25-20, noong Huwebes.

Ngunit hindi sweep ang nasa isip ng Blaze Spikers.

“Our goal is to win the title – not just to sweep the con­ference. I’m proud of my team. Getting here isn’t easy. But our job is not yet done. We still have a bigger goal in mind which is to win the Grand Prix title,” wika ni head coach Shaq Delos Santos.

Kaya inaasahang ibubuhos na naman nina American reinforcements Stephanie Niemer at Katherine Bell ang buo nilang lakas para maipanalo ang Petron.

Sesentro rin ang atensiyon sa Foton at F2 Logistics na parehong maglalatag ng solidong line-up.

Magbabalik na sa Tornadoes si Jaja Santiago na ga­ling sa kampanya sa Japan.

Makakasama ni Santiago sina Dindin Manabat at Spanish import Milagros Collar sa pag-asang mapaangat ang 1-10 baraha nito.

Muli namang kinuha ng Cargo Movers si 2017 Grand Prix MVP MJ Perez na pinallitan si American-Italian Becky Perry para makatuwang si reigning MVP Lindsay Stalzer.

Dati nang naglaro sina Perez at Stalzer nang magka­sama sa Jakarta Elektrik sa Indonesian Proliga noong 2017.

Show comments