CALASIAO, Pangasinan , Philippines — Inangkin ni Rey Guevarra ng Phoenix ang kanyang pang-limang Slam Dunk crown sa 2019 PBA All-Star Weekend kahapon dito sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Tinalo ni Guevarra si Renz Palma ng Blackwater sa dunk-off para pantayan ang record ni Niño Canaleta para sa pinakamaraming Slam Dunk titles.
Hinirang naman si PJ Simon ng Magnolia bilang bagong Three-Point Shootout king matapos talunin si NorthPort rookie Robert Bolick.
Nagsalpak ang 38-anyos na si Simon ng 20 points sa eliminasyon bago bumanat ng 17 markers sa finals.
Matagumpay namang naidepensa ni Rain or Shine big man Beau Belga ang kanyang Obstacle Challenge crown.
Nagsumite si Belga ng 21 segundo para ungusan ng 0.3 segundo si second-placer Russell Escoto ng Columbian.