Miciano asam ang GM title sa tulong ng Go for Gold

ara makamit ito ay kailangan ng pinakabatang International Master mula sa Da­vao City na makakuha ng tatlong GM norms sa pag­lalaro sa mga overseas tournaments laban sa mga highly rated chessers.
facebook

MANILA, Philippines — Isusulong ni Asian Youth 18-under chess titlist John Marvin Miciano ang kanyang kampanya pa­ra maging Filipino Grand Master sa ilalim ng Go For Gold program.

Para makamit ito ay kailangan ng pinakabatang International Master mula sa Da­vao City na makakuha ng tatlong GM norms sa pag­lalaro sa mga overseas tournaments laban sa mga highly rated chessers.

Sasali si Miciano sa FIDE Asian Zone 3.3 championships na nakatakda sa Abril 6-16 sa Ula­anbaatar, Mongolia.

Sasabak sa torneo ang mga pinakamahuhusay na woodpushers sa rehiyon ka­sama ang mga top-rated players mula sa Vietnam at Indonesia.

“Chess is one sport where Filipinos can excel. It is a test of mental strength,’’ wika ni Go For Gold godfather Jeremy Go. “I think Marvin is one of our brightest young athletes who deserve our support.’’

Malaki ang paniniwala ni Go, sinusuportahan ang walong sports, na makakamit ni Miciano, iginiya ang Far Eastern University sa UAAP title, ang kanyang pa­ngarap.

Bukod kay Miciano, iti­nataguyod din ng Go For Gold sina skateboarder superstar Mar­gielyn Didal, ang Philippine dragonboat team ng Philippine Canoe-Kayak Dragon­boat Fede­ration at sina cycling hero Rex Luis Krog at reigning Southeast Asian Games men’s triathlon champion Nikko Huelgas.

Show comments