MANILA, Philippines — Patatatagin ng San Miguel Alab Pilipinas ang kapit sa solong pamumuno sa pagsagupa nito sa Macau Black Bears ngayong gabi sa 2019 Asean Basketball League Season 9 sa The Arena sa San Juan City.
Magkukrus ang landas ng Beermen at Black Bears sa alas-6 ng gabi.
Matikas na nakakapit sa No. 1 spot ang Alab Pilipinas hawak ang 17-4 rekord habang nakabuntot ang Formosa Dreamers (15-6), Singapore Slingers (13-8) at Macau Black Bears (12-9).
Galing ang Beermen sa 80-70 panalo sa Slingers noong Linggo sa OCBC Arena sa Singapore.
Nagsilbing lider sa naturang laro sina Puerto Rican imports Renaldo Balkman at PJ Ramos.