Felipe binigyan ng regalo ang sarili

Si Marcelo Felipe ng 7/Eleven ang Stage 2 winner.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nau­ngusan ni Marcelo Felipe ng 7-Eleven Cliqq-Air 21 by Roadbike

Phi­­lip­pi­nes si El Joshua Cariño ng Navy-Standard Insu­rance sa huling metro para angkinin ang Stage Two bagama’t  nanati­ling hawak  ni Francisco Mancebo-Perez ng Matrix Powertag Japan ang solo general classification kahapon sa 2019 LBC Ronda Pilipinas sa Guimaras Island.

Ibinuhos ni Felipe ang buong lakas para sa magandang selebras­yon ng kanyang ika-29th  kaarawan ngayong araw. 

Nagtala ng identical time sina Felipe at Cariño sa dalawang oras, apat na minuto at 19 segundo upang itakas ang unang Ronda stage win.

Tumapos naman sa ikatlong puwesto si Jonel Carcuerva ng  Go for Gold team para sa kumpletong dominasyon ng mga Filipino riders sa ikalawang araw ng UCI-sanctioned kumpetisyon.

Nagtagumpay naman si Tour de France veteran Mancebo-Perez ng Matrix team sa pag-protekta sa suot na red jersey.

Ang 42-anyos na si Mancebo-Perez ay kasabay ng peloton kasama ang mga mahigpit na kari­bal na sina Ronald Oranza, ang reigning Ronda king at Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance at Dominic Perez ng 7-Eleven para makalikom ng kabuuang oras na 7:47:298.

Si Oranza ay angat ng mahigit 3:52 sa likuran ni Felipe habang si  Perez ay No. 3 (4:01 behind) at No. 4 si Morales sa mahigit 4:45 sa likuran ng nangunguna.

Kinumpleto naman ang top 10 casts  nina Jun­ya Sano ng Matrix, Joo Dae­yeong (4:58) ng Korean team,  Irish Valenzuela (5:20) ng 7-Eleven, Mark Julius Bordeos (5:20) ng Army Bicycology at  Rustom Lim (5:28) ng 7-Eleven.

Sa team event, nanatili ang Matrix sa liderato sa kabuuang oras na 23:34:13 kasunod naman ang 7-Eleven (2:47 behind) at Navy-Standard Insurance (3:31 behind).

Show comments