MANILA, Philippines — Dimonina ng 42-anyos na si Francisco Mancebo-Perez ng Spain ang 197.6-km Stage One ng 2019 LBC Ronda Pilipinas kahapon mula sa Iloilo City Hall hanggang sa Megaworld Festive Walk Mall ng siyudad.
Tumapos ang 2005 Tour de France fourth placer na si Perez ng Matrix Powertag Japan team sa limang oras at 7.02 minuto habang pumapangalawa naman ang nagdedepensang si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance at ikatlo si Dominic Perez ng 7-Eleven Cliqq-Air 21 sa halos tatlong minuto at 52 segundo sa likuran ni Mancebo.
“For the moment, I’m happy with the victory. For us, its good and we’ll see what happens in the race,” sabi ni Mancebo-Perez.
Hindi naman malayo ang 2016 at 2017 champion na si Jan Paul Morales sa ika-apat na puwesto (4:32 behind) habang si Junya Sano, ang teammate ni Mancebo-Perez sa Matrix ay pang-lima ((4:40 behind) at pang-anim si Joo Daeyeong ng Team Korea (4:51 behind).
Dahil kay Mancebo-Perez, ang Matrix ay nangunguna na ngayon sa team competition sa kabuuang oras na 15:32:36 mahigit 3:07 ang agwat mula sa pumapangalawang 7-Eleven team at 3:57 sa unahan ng ikatlong Navy-Standard Insurance.