Eustaquio itataya ang korona

MANILA, Philippines — Haharapin ni Filipino flyweight champion Geje Eustaquio ang Brazilian na si Adriano Moraes sa ONE Championship: Heroe’s Ascent ngayong gabi  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hangad ni Eustaquio na manatili ang titulo upang mapangalagaan ang apat na korona na pag-aari ng mga Pinoy fighters bunga ng kabiguan  ni Joshua Pacio kay Yosuke Saruta ng Japan noong nakaraang linggo.

Dahil sa talo ni Pacio, apat na lamang ang mga Pinoy fighters na may hawak na titulo sa pangunguna ni Brandon Vera (heavyweight), Eduard Folayang (lighweight) at Kevin Belingon (bantamweight).

“We worked hard to avoid what happened to my friend and teammate Joshua Pacio.  If I will get the chance in winning via knock out  or submission, I will go for it because we don’t want it to go the distance where anything can happen,” sabi ni Eustaquio, na tangan ang 11-6 (win-loss) record. Si Moraes ay hawak ang 17-3 card.

Ang iba pang Filipino na sasabak ngayong gabi ay sina Honororio Banario laban kay Lowen Tynanes ng US sa lightweight Grand Prix Quarterfinal showdown at Danny Kingad kontra kay Tatsumitsu Wada ng Japan sa flyweight fight.

Ang epic mixed martial arts (MMA) trilogy ng ONE Championship ay mapapanood live sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa alas-8:30 ngayong gabi.

Show comments