MANILA, Philippines — Pormal nang nagretiro si Chris Tiu ng Rain or Shine matapos ang makulay na karera sa PBA.
Naglaro ang 33-anyos na dating Ateneo de Manila University star ng anim na seasons sa PBA bago magpasyang lisanin ang pro-league upang pagtuunan ang kanyang pamilya at negosyo.
“My heartfelt gratitude to every person who has been part of my basketball journey!! Most especially to our Lord who makes all things possible. It is now time to move on. My heart is full. #17 signing off,” ani Tiu sa kanyang Twitter account.
Bumuhos ang pasasalamat mula sa mga tagahanga nito gayundin sa mga kilalang personalidad sa mundo ng sports.
Si Tiu ang seventh overall pick noong 2012 PBA Annual Rookie Draft.
Naging bahagi ito ng Elasto Painters na nagkampeon noong 2016 PBA Commissioner’s Cup.
Itinanghal itong PBA All-Star Three-Point champion noong 2013 at naging bahagi ng PBA All-Rookie Team sa parehong taon.
Bahagi si Tiu na nagkampeon sa 2011 SEABA Men’s Basketball Championship at 2011 Southeast Asian Games.