Laro Bukas(MOA, Pasay City)
3:30 p.m. ADMU vs UP
MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni season MVP Bright Akhuetie na magtatagumpay ang University of the Philippines Fighting Maroons sa pagsungkit sa kanilang ikalawang titulo pagkatapos ng mahabang 32 taon.
“Coach Bo just tried to put it in our heads to remind us that we’re not celebrating anything yet. We are going to get ready for the next step because this is not it; we still have one more to go. This is another step closer to achieving that, so let’s not just sit back and say that this is it,” ani Season 81 Nigerian MVP Akhuetie.
Inamin ni Akhuetie na mabigat na kalaban ang top seed at nagdedepensang Ateneo sa best-of-three Finals na tinaguriang “Battle of Katipunan” teams sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament simula sa Sabado sa Mall of Asia Arena.
“All this time, we’ve been focused on Adamson, now it’s time to go back and start again against Ateneo. Watch our past games, and see the adjustments we have to do, because it’s gonna be tough, no doubt,” dagdag ni Akhuetie.
Nakamit ng UP ang tangi nilang kampeonato sa UAAP noon pang 1986 sa panahon pa ni coach Joe Lipa at mga star players na sina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, Eric Altamirano at Joey Guanio.
Hindi pa nasundan ng UP na isa sa mga founding member ng UAAP Simula noong 1938, ang titulo at tatlong beses pa lamang itong pumasok sa Final Four, bukod sa taong ito ang huli ay noon pang 1997.
Sa kabilang banda, ang makakaharap nilang Blue Eagles ay pumasok sa Finals sa ikatlong sunod na pagkakataon at hawak ang siyam na UAAP titles kabilang na ang 5-peat mula 2008 hanggang 2012. Isa rin ang Ateneo sa may pinakamaraming Finals appearances sa kanilang 14 kabilang na sa season na ito.