Cone nalungkot sa pagpanaw ni Winter

Sa kanyang Twitter account kahapon ay labis na ikinalungkot ni Cone ang pagpanaw ni Winter.

MANILA, Philippines — Ipinagluksa ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pagkamatay ni Tex Winter, ang nagpakila­la sa pamosong ‘triangle offense’.

Sa kanyang Twitter account kahapon ay labis na ikinalungkot ni Cone ang pagpanaw ni Winter.

“Never understood why he would allow a coach like me to hang out and learn from him, but, wow, he real­ly impacted my life,” wi­ka ni Cone. "(I) will miss him forever.”

Nakilala ni Cone si Winter noong 2000.

Namatay si Winter sa edad na 96-anyos at iniluklok sa Naismith Basketball Hall of Fame noong 2011.

Inaral ni Cone ang ‘triangle offense’ sa pamamagitan ng pagbi-video tape sa mga laro ng Chica­go Bulls sa NBA.

Si Winter ang nagsilbing assistant coach ng Bulls sa loob ng 14 taon.

Natulungan niya si coach Phil Jackson at NBA great Michael Jordan sa pag-angkin sa anim na NBA titles.

Muli niyang sinamahan si Jackson sa Los Angeles Lakers at magkasamang nanalo ng tatlo pang koro­na gamit ang ‘triangle offense’.

Show comments