San Juan, Bataan nakisalo sa liderato

Umani ng tig-16 puntos sina Gary David at Byron Villarias habang tumulong ng 13 si Pamboy Raymundo, kabilang na ang dalawang baskets sa krusyal stretch para masungkit ang pangpitong panalo ng Risers ni coach Jojo Lastimosa.
File Photo

Laro Bukas (Sabado)(Strike Gymnasium, Bacoor, Cavite)

7 p.m. Cebu City vs QC

9 p.m.  Bacoor vs Z’boanga

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Bataan Risers laban sa Valenzuela Classics, 59-55 habang natamo rin ng San Juan Knights ang 87-60 panalo kontra sa Pasig Pirates sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa Peoples’ Center sa Balanga, Bataan.

Umani ng tig-16 puntos sina Gary David at Byron Villarias habang tumulong ng 13 si Pamboy Raymundo, kabilang na ang dalawang baskets sa krusyal stretch para masungkit ang pangpitong panalo ng Risers ni coach Jojo Lastimosa.

Ang Risers ay muling umangat  sa three-way tie sa top spot ng Northern Division kasama ang Manila Stars at San Juan Knights sa parehong 7-1 win-loss kartada habang ang Valenzuela Classics ay bumaba sa 2-6 card.

“We turned the ball over so many times in the first half and those turnovers were unforced turnovers. We have nobody to blame but us,” ani Lastimosa ukol sa kanilang 15 turnovers sa first half pa lamang.

Sa iba pang laro, inangkin ng Knights ni coach Randy Alcantara ang back-to-back panalo matapos ang kanilang kabiguan sa Muntinlupa Cagers, 71-77 noong Agosto 22.

Pinangunahan ni Mac-Mac Cardona ang Knights sa kanyang 15 puntos at siyam na rebounds at 14 naman kay Rian Ayonayon habang 12 mula kay Larry Rodriguez.

Show comments