Pinoy athletes tagumpay sa ASIAD

Ito ang iuuwi ng 275-man Philippine Team, 227 nito ay mga atleta, mula sa 17-araw na pagkampanya sa 18th Asian Games na pormal na nagsara kagabi sa 76,000-seater na Gelora Bung Karno Stadium.

Tumapos sa 19th place

JAKARTA--Apat na gold, dalawang silver at 15 bronzes.

Ito ang iuuwi ng 275-man Philippine Team, 227 nito ay mga atleta, mula sa 17-araw na pagkampanya sa 18th Asian Games na pormal na nagsara kagabi sa 76,000-seater na Gelora Bung Karno Stadium.

At ang nagdeliber ng mga gold na ito ay puro mga babaeng atleta na sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, golfer Yuka Saso na siya ring nanguna sa women’s team kasama sina Lois Kaye Go at ang bronze medalist ding si Bianca Pagdanganan.

“The women in sports are really giving us so much pride. So we should really look at parity and bring in more (of them) in sports. They have proven that they can win,” ani Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas.

Ang pruduksiyon ng Phl athletes sa edisyong ito ng quadrennial event ay malaking improvement sa tinapos ng Pinas noong 2014 Incheon Asian sa South Korea,  1-3-11 gold-silver-bronze at  3-4-9 noong 2010 Guangzhou Asian Games. Ngayon ay nasa 19th place ang Philippines sa overall medal standings matapos ang  22nd place finish noong  2014 Asiad.

Gayunpaman, nakita ni Vargas na maraming kailangang gawin upang mag-improve ang performance ng Pinas.

“It is obvious that grassroots development and talent identification have to be ramped up. The emergence of young talent in these Games points to the fact that fresh young faces with boundless  energy, fierce determination and gung-ho spirit are coming to the fore. We need to find more of them,” ani Vargas.

Pinakabata sa mga gold medalists ay ang 17-anyos na si Saso, si Didal ay 19, parehong edad ni Lois Go habang sina Pagdanganan ay 21 at ang pinakamatanda ay 27 na si Diaz na mahahanay pa rin sa mga millennial.

Nakita rin ni Vargas na dapat bigyan ng atensiyon ang mga medal rich sports na athletics at swimming at ang mga National Sports Association na may mga problema.

Napansin din ni Vargas na ang mga sport na hindi nakapagdeliber ay ang mga NSA’s na may problema.

Tinukoy niya ang volleyball, badminton, shooting, swimming, aquatics, athletics at kahit ang boxing na kanyang pinamumunuan bilang presidente.

Sa tingin ni Vargas, importante ang pakikipag­kooperasyon sa PSC  kaya mahalagang palawigin ang relasyon ng POC sa ahensiyang pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Kailangan din ang tulong ng pribadong sektor para madagdagan ang pondong pangsuporta sa mga atleta at ilagay sa cabinet-level ang sports sa gobyerno, ituro ang mga  Asian, regional at Olympics sports sa eskuwelahan, ayusin ang mga training facilities’ i-develop ang mga coaches at iba pa.  

Show comments