Pinoy paddlers sasagwan sa ginto

Nagposte sina Macaranas at Fuentes ng bilis na 41.441 segundo para pumangatlo sa China (38.473) at Kazakhstan (38.762) sa Heat 1 ng five-team event.
Facebook Photo

PALEMBANG -- Puma­ngatlo sina Filipino ro­wers Hermie Macaranas at Ojay Fuentes sa preliminaries para umabante sa finals ng canoe 200-meter men’s doubles sa 18th Asian Games kahapon dito sa Jakabaring Sports City Lake.

Nagposte sina Macaranas at Fuentes ng bilis na 41.441 segundo para pumangatlo sa China (38.473) at Kazakhstan (38.762) sa Heat 1 ng five-team event.

Bumandera naman sa Heat 2 ang Uzbekis­tan (38.084), Indonesia (41.221) at Iran (41.596) papasok sa medal race.

Pakakawalan ang final race ngayong alas-9 ng umaga (10 a.m. Manila time).

Ang nasabing event ang pinakahuling pagkakataon ng Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation para makapag-ambag ng medalya makaraang mabigo sa  traditional boat race 200, 500 at 1,000 meters noong nakarang linggo.

“The boys will keep on fighting. The opposition is tough, but we’ll see tomorrow,” sabi ni national coach Len Escollante.

Show comments