Bulacan kakalas sa 5-way tie

Maghaharap ang Bulacan Kuyas at Basilan ngayong alas-7 ng gabi, habang magtatagpo naman ang Marikina Shoemasters ni TV at movie actor Gerald Anderson at ang Pasig Pirates sa alas-9 sa double-header.
https://www.facebook.com/BulacanKUYAS

MANILA, Philippines — Hangad ng Bulacan Kuyas na kumalas sa five-way tie sa ikalawang puwesto sa Northern Division sa kanilang pagharap laban sa Basilan Steel sa pagpatuloy sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup sa Marist School Gymnasium sa Marikina City.

Maghaharap ang Bulacan Kuyas at Basilan ngayong alas-7 ng gabi,  habang magtatagpo naman ang Marikina Shoemasters ni TV at movie actor Gerald Anderson at ang Pasig Pirates sa alas-9 sa double-header.

Ang Kuyas ni coach Britt Reroma ay nakasosyo sa ika­lawang puwesto sa North group kasama ang Bataan Risers, Mandaluyong El Tigre, Makati Skycrapers at Ma­­nila Stars sa parehong 4-1 kartada sa likuran ng na­ngu­ngunang San Juan Knights na tangan ang malinis na 5-0 baraha, ang tanging koponan na hindi pa nakatikim ng pagkatalo sa komperensya.

Sasandal si Reroma kina JR Taganas, mga dating PBA standouts na sina Jason Melano at Jeric Cañada, Hans Thiele, Stephen Siruma, Rogemar Menor at Gido Babilonia para makamit ang pang-limang panalo.

Sasandal naman ni Basilan coach Joseph Ro­marate kina dating pros Dennis Daa at Macky Acosta, Jojo Tangkay, Mark Ababon, Clark Bautista at Jonathan Belorio.

Asam din ng Basilan na umangat mula sa kinatayuang 2-2 record sa Southern Division.

Samantala, tiyak na nakatutok lahat kay Anderson na naglaro sa Marikina Shoemasters laban sa Quezon City Capitals kung saan nagwagi ang kanyang koponan, 78-74 noong Hulyo 26.

Show comments