Chan bumida sa Gin Kings

Humugot si Chan ng 10 sa kanyang 21 points sa final canto para tulungan ang Barangay Ginebra sa 102-89 pagdurog sa Rain or Shine sa Game One ng kanilang semifinals series sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

MANILA, Philippines — Ang dati nilang kamador na si Jeff Chan ang naging malaking tinik sa dibdib ng mga Elasto Pain­ters sa fourth quarter.

Humugot si Chan ng 10 sa kanyang 21 points sa final canto para tulungan ang Barangay Ginebra sa 102-89 pagdurog sa Rain or Shine sa Game One ng kanilang semifinals series sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Nag-stick lang kami sa system namin at nag-focus kami sa defense,” ani Chan.

Kinuha ng Gin Kings ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals showdown ng Elasto Painters kahit wala si forward Japeth Aguilar, nagkaroon ng sprained left ankle sa quarterfinals duel nila ng Meralco Bolts.

Maagang itinayo ng Ginebra ang 20-7 abante sa opening period bago ito pinalaki sa 37-19 laban sa Rain or Shine sa unang tatlong minuto ng second quarter mula sa drive ni Chan.

Nailapit ng Pain­ters ang laro sa pagtatapos ng first half, 45-52 hanggang makadikit sa 63-67 buhat sa four-point play ni James Yap kay Kevin Ferrer sa 4:03 minuto ng third period.

Sa final canto ay humataw naman ang Gin Kings ng 21-8 ratsada sa pagbibida ni Chan para ilista ang 97-78 kalamangan sa 5:28 minuto nito.

Samantala, dalawang panalo pa ang kailangan ng nagdedepensang San Miguel para sa kanilang record na ika-40 PBA Finals appearance.

At kung muling tatalunin ng Beermen ang Aces sa Game Two ay mailalapit nila ang sarili sa pagpasok sa best-of-seven cham­pionship series ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Nakatakda ang sagupaan ng Aces at Beermen ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

  

Show comments