Cone isasalang agad si Chan vs Columbian dyip

MANILA, Philippines — Kaagad ipaparada ng Barangay Ginebra ang bagong hugot na si Jeff Chan sa hangaring patibayin ang tsansa nila para sa isa sa walong quarterfinals seat sa 2018 PBA Commissioner's Cup.

Tampok ang veteran sniper na si Chan, lalabanan ng Gin Kings ang Columbian Dyip ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Globalport Batang Pier at Phoenix Fuel Masters sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Inaprubahan kamakalawa ni PBA Commissioner Willie Marcial ang trade sa pagitan ng Ginebra at Phoenix kung saan nakuha ng Gin Kings ang 34-anyos na si Chan at ibinigay sa Fuel Masters ang kanilang first-round overall pick sa darating na 2018 PBA Rookie Draft.

Nagtala si Chan, da­ting King Tamaraw ng Far Eastern University, ng mga averages na 11.5 points, 4.4 rebounds, 4.1 assists at 1.2 steals sa mid-season tournament.

Nanggaling ang Ginebra sa 104-84 paggiba sa Magnolia sa kanilang 'Manila Clasico' noong Linggo habang nagmula ang Columbian sa 115-107 panalo laban sa Phoenix.

“We have no margin for error. But if we find a way to win our three tough games, we could make the Top Six,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa pagsagupa ng kanyang Gin Kings sa Dyip, Alaska Aces at Batang Pier sa single round-robin elims.

Show comments