MILO BEST idaraos sa 4 provincial venues

MANILA, Philippines — Apat na provincial ve­nues ang pagdarausan ng award winning Best Center  habang may inilatag na mga bagong sesyon sa Ateneo covered courts simula sa Hunyo 4.

Ayon kay Basketball Efficiency and Scientific Training Center founder at president Nic Jorge, humi­ling ang mga estudyanteng naka-enroll sa Milo-sponsored clinics ng bagong sesyon.

Ang Ateneo clinics ay gagawin sa alas-8:30-11:30 ng umaga tuwing Martes, Huwebes  at Sabado sa Hunyo  5, 7, 9, 12, 14. 16 at 19.

Magsisimula naman ang provincial schedules  sa Mayo  21-26 sa Tagaytay  City, Tahanan ng Ma­buting Pastol  SVD Road, Mag-asawang Ilat para sa Levels 1,  2 at 3.

Maaaring tawagan sina Xander at Marbs sa 0917-102-1591 at 0917-906-2909.

Ang Valencia, Bukidnon sa Goodwill Giants Sports Town ay para sa Levels 1 at 2 at si Chow Vega ang dapat tawagan sa 0955-125-2502 o 0917-717-2104.

Ang Laoag, Ilocos Norte sa Ilocos Norte National High School Gym ay para sa Levels 1 at 2 at si organizer Lito Custodio ang maaaring kontakin sa 0916-274-8359/ 0922-291-5399 at 0919 679 8765).

Ang mga klase tuwing Linggo ay gagawin sa Balagtas, Bulacan sa Don Pedro Cayetano Sports Complex para sa Levels 1, 2 at 3.

Maaaring tawagan si organizer Tina Miranda sa 0936-202-5763.

Ang huling araw para sa enrollment ay sa Mayo 20.

Show comments