MILO, TAG Heuer magka-partner sa 42 season ng National Milo Marathon

MANILA, Philippines — Inahayag ng nangungunang beverage brand na MILO ang paghirang sa TAG Heuer bilang kanilang official timing partner para sa 2018 National MILO Ma­rathon.

Makakatuwang ng pamosong Swiss luxury watchmaker ang MILO sa paglalatag ng mas magandang race experience para sa mga kalahok na runners.

Nasa kanilang ika-42 season, ang National MILO Marathon  ang pinakamatanda at pinakamalaking running event sa bansa.

Bilang dagdag na motivation sa mga runners ay magbibigay ang TAG Heuer sa 2018 National MILO Marathon King at Queen ng isang special token.

Naniniwala ang TAG Heuer sa kakayahan ng mga Filipino marathoners para sumabak sa mas mabibigat na international races.

Magsisimula ang 42nd National MILO Marathon sa Urdaneta sa Hulyo 15 at dadalhin sa Metro Manila (Hulyo 29), Tarlac (Agosto 26), Batangas (Setyembre 16), Lucena (Setyembre 30), Iloilo (Oktubre 7), Cebu (Oktubre 14), General Santos (Oktubre 21), Butuan (Nobyembre 11) at Cagayan De Oro (Nobyembre 18).

Nakatakda ang National Finals sa Laoag City sa Disyembre 9.

Show comments