MANILA, Philippines — Wala ng ibang araw pa para sa Zark’s Burger-Lyceum at Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa kanilang pagtatagpo ngayon sa do-or-die game ng best-of-three finals series sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Inaasahan ang mainit na laban sa kanilang paghaharap sa alas-4 ng hapon upang pag-agawan ang titulo ng season opening conference.
Tabla ang Jawbreakers at Revellers sa 1-1 sa serye kung saan nagwagi ang tropa ni coach Stevenson Tiu sa Game 1 (107-103) noong Abril 24, ngunit bumawi naman ang Jawbreakers sa Game 2 (98-90) noong Abril 26.
Kung mananalo ang Jawbreakers ni coach Topex Robinson ay sila pa lang ang kauna-unahang lowest-ranking team na nag-uwi ng korona bilang sixth seeded team pagtatapos ng elimination round habang ang Jawbreakers ay fourth seeded team.
Sasandal si Robinson kina MVP CJ Perez, Jaycee Marcelino at Mike Nzeusseu laban kina Samboy de Leon, Cedrick Ablaza at Allyn Bulanadi at Michael Calisaan ng Revellers.
“Beterano ‘yung mga players ko kaya naniniwala pa rin ako sa kanila. Their will to win is always there at hanggang nandoon ‘yun, may chance pa kami,” ayon naman kay Tiu.