Scorpions, Revellers asam ang semis

MANILA, Philippines — Haharapin ng third seed Centro Escolar University ang sixth seed Zark’s Burger-Ly­ceum habang magtatagpo rin ang fourth seed Che’Lu Bar-SSC at ang Gamboa Coffee Mix-St. Clare ngayon sa pagsisimula ng quarterfinal round ng 2018 PBA D-League Aspirants’  Cup sa Pasig City Sports Center.

Tangan ng Scorpions ang twice-to-beat advantage bilang third seed sa pakikipagharap kontra sa Zark’s Burger sa alas-4 ng hapon habang dala rin ng Che’Lu Bar ang parehong twice-to-beat bentahe bilang fourth seed sa pakiki­pagtutuos sa Gamboa Coffee sa alas-2 ng hapon.

Pag-aagawan ng apat na quarterfinalists ang dala­wang natitirang semifinal slots para sumama sa top seed Akari-Adamson Falcons at second seed Marinerong Pilipino Skippers sa best-of-three semis.

Hindi pa tiyak kung makakalaro na ang Congolese import na si Rob E­bondo ng Scorpions dahil sa kanyang back injury kaya malaking kawalan ito para sa tropa ni coach Yong Garcia.

“We are preparing for the game without Ebondo. It was  really a missed opportunity for us not being able to take the number one spot. Sayang sana para we could have least one week rest and Rod has time to recover,” sabi ni Garcia ukol sa kanilang talo sa Batangas-EAC, 87-89 kaya bumagsak lamang sila sa ikatlong puwesto matapos ang elimination round.

Show comments