MANILA, Philippines - Binanderahan nina Marc Bryan Dula ng Wisenheimer Academy at Paul Christian King Cusing ng Diliman Preparatory School ang mga Most Outstanding Swimmer awardees sa 113th Philippine Swimming League National Series sa Abucay, Bataan.
Nawalis ni Dula ang lahat ng kanyang limang events upang makopo ang MOS award sa boys’ 10-year category habang nakakuha rin ng limang gintong medalya si Cusing para mahablot ang unang karangalan sa boys’ 15-over division sa Class ABC.
Galing si Dula sa impresibong kampanya sa 2017 Prime Star Sport Academy Motivational Swimming Meet na ginanap sa Al Nasr Sports Complex sa Dubai, United Arab Emirates kung saan humakot ito ng 12 gintong medalya.
Wagi rin ng MOS sa naturang kategorya sina Lovie Joy Ramos (girls’ 6-under), Euri Sean Raphael Torrefiel (boys’ 6-under), Jenn Sermonia (girls’ 8-year), Master Charles Janda (boys’ 8-year), Ehm Ahmadelle Alavy-Chafi (girls’ 9-year), Shan Kervie Medina (boys’ 9-year), Julia Basa (girls’ 10-year), Jan Karylle Sarmiento (girls’ 11-year), Lee Grant Cabral (boys’ 11-year), Albert Sermonia II (boys’ 12-year), Katherine Gapuz (girls’ 13-year), Prince Legaspi (boys’ 13-year), Heoel Agcaracar (girls’ 14-year), Luis Marquez (boys’ 14-year) at Malaya Barrios (girls’ 15-over).
Umibabaw naman sa Motivational Division sina Recz Edward Agustin na nakalikom ng 50 puntos para sa MOS award sa boys’ 15-over habang may 36 puntos si Tanya Louise Quinoveva tungo sa pagsungkit ng MOS sa girls’ 15-over.
Ang iba pang MOS winners ay sina Ella Avila (6-under), Agnez Danao (7), Priscilla Rigor (8), Jyreen Joyno (9), Mia Ubaldo (10), Audene Gaida (11), Gabrielle Comillas (12) at Alecxia Aganus (13) sa girls; at sina Jude Gapultos (6-under), Dominic Bongotan (7), Wynn Valdez (8), Jore Quarteros (9), Lance Mallari (10), Alfred Gutierrez (11), Rod Dela Rosa (12), Van Jaring (13) at John Solomon (14) sa boys.
Ang PSL ay kinikilala ng Philippine Sports Commission bilang opisyal na national sports association na nagpapatupad ng grassroots development program sa bansa.