MANILA, Philippines - Bibigyan ng Department of Education ng parangal ang pinaka-outstanding na produkto ng Palarong Pambansa simula sa unang edisyon noong 1948.
Ang unang Palarong Pambansa Parangal Achievement Award ay ibibigay ng DepED sa opening ceremonies ng 60th edisyon sa Abril 23 sa San Jose Buenavista, Antique.
Ayon kay DepEd assistant Secretary Tonisito Umali isa lamang ang kanilang pipiliin sa marami nang naging outstanding alumni ng prehistiyosong taunang kumpetisyon para sa mga student-athletes na may edad 17-anyos pababa.
Bukod sa plaque at trophy, ang mapipili sa unang Palarong Pambansa Parangal Achievement Award ay makatanggap din ng P50,000 cash at all-expenses paid trip papunta sa San Jose Buenavista, Antique para tanggapin ang malaking karangalan.
Ayon kay Umali, ang ilan sa mga pinagpipilian ay sina Lydia de Vega, Elma Muros, Isidro del Prado at Eric Buhain.
Dalawang demonstration sports at isang demonstration event ang idinagdag sa 60th edisyon kaya umabot na sa mahigit 21 sports disciplines ang paglalabanan ng mahigit 10,000 athletes mula sa 18 regions ng bansa.