Matitikas na bangkero at dragon boat teams maghaharap sa Manila Bay Summer Seasports

MANILA, Philippines -  Pakakawalan ang inaa­bangang Manila Bay Summer Seasports Festival bu­kas at sa Linggo.

Inaasahang sasabak ang mga batikang bangkero mula sa Anti­que, Aurora, Ba­tangas, Bulacan, Cavite, Dumaguete, Ilocos Sur, La Union, Mindoro, Navotas at Rizal.

Ang mga koponang mag­papaligsahan ay ang Tri­ton, Onslaught Ra­cing Dragons, RCP Sea Dra­gons, Philippine Blue Phoenix, Rogue Pilipinas, Dra­gons Republic, One Piece Drakon Sangres, Pilipinas Wave Warriors, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, NTMA Dra­gons, Amateur Paddlers Philippines, Bruins, Speed Devilz at Maharlika Drakon.

Ang Manila Bay Seasports Festival, nasa ika-17 taon ngayon, ay inihahandog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard.

Magsisimula ang karera sa alas-8 ng umaga.

Ang  2017 Manila Bay Seasports Festival ay sinu­suportahan ng O Optical, EyeBerry at MyJuiz.

 

Show comments