Manila Bay Summer Seasports sa Mar. 18-19

MANILA, Philippines -  Mapapakitang-gilas ang mga pinakamagagaling na bangkero at dragon boat teams sa paghataw ng Manila Bay Summer Seasports Festival sa Marso 18 at 19.

Lalahok ang mga batikang bangkero mula sa Anti­que, Aurora, Batangas, Bulacan, Cavite, Dumaguete, Ilo­cos Sur, La Union, MIndoro, Navotas at Rizal.

Mag-aagawan naman para sa karangalan sa dragon boat ang mga koponan ng Triton, Onslaught Racing Dra­gons, RCP Sea Dragons, Philippine Blue Phoenix, Rogue Pilipinas, Dragons Republic, One Piece Drakon Sangres, Pilipinas Wave Warriors, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, NTMA Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Bruins, Speed Devilz at Maharlika Drakon.

Nasa ika-17 taon ngayon ang Manila Bay Seasports Festival na handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard.

Magsisimula ang karera sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatampok sa pagbisita ni Renz Verano at ng Go Girls para sa awarding ceremony.

Ang 2017 Manila Bay Seasports estival ay suportado ng O Optical, EyeBerry at MyJuiz.

Show comments