Cignal, Petron paborito sa titulo

MANILA, Philippines - Ang Cignal at Petron ang inaasahang magdo­mina sa Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference na bubuksan sa Sabado sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Pagkaraang nabigo sa Grand Prix noong nakaraang taon, kapwa nagpalakas ang Cignal HD Spi­kers at Petron Blaze Spikers ng kani- kanilang line-up para palakasin ang pag-asa sa opening confe­rence ng 2017 season.

Sa pangunguna ni two-time champion coach George Pascua, nakuha ng HD Spikers sina Rachell Anne Daquis, Honey Roy­se Tubino at Jovelyn Gonzaga mula sa nagpapahi­ngang defending champion RC Cola-Army.

Idinagdag pa sa roster ni Pascua ang dating team captain ng Petron na si Maica Morada.

Kasama rin sa HD Spi­kers ang mga beteranang sina Paneng Mercado, Jheck Dionela, Mylene Paat, Janine Marciano, Cherry Vivas, Sandra Delos Santos, Lourdes Patillano, May Macatuno, Len Cortel at Chie Saet.

Ang Petron naman ay pangungunahan nina PSA 2016 Miss Volleyball Mika Reyes, Rhea Dimacula­ngan at Carmela Tunay, Dancel Dusaran at Gianes Dolar na isang middle b­locker mula sa Bacolod.

Sina April Ross Hingpit, Carmina Aganon, Mayette Zapanta, Shiela Pineda, Frances Molina, Aiza Pontillas at CJ Rosario ay na­ngako rin ng magandang kampanya para sa Blaze Spikers sa season ope­ning conference na napanalunan ng RC Cola-Army nakaraang taon.

Ang Cocolife naman ay pangungunahan nina Michele Gumabao ng La Salle at Denden Lazaro ng Ateneo.

 

Show comments