Danao handa na sa Xterra series

MANILA, Philippines -  Mapapasubo ang mga off-road triathletes at enthu­siasts sa pagpapakawala ng Xterra sa Off-Road Triathlon South sa Danao, Cebu sa Abril 23.

Habang tiniyak ng nag-oorganisang Sunrise Events, Inc. ang isang elite international cast, siniguro naman ng host city na hindi makakalimutan ng mga kalahok ang kanilang magiging eksperyensa sa Coco Palms Beach Resort sa Cebu.

Ang event ay nagsisilbing isa sa tatlong Xterra races na pamamahalaan ng Danao hanggang 2019 matapos pirmahan nina Durano at SEI general manager Princess Galura ang three-year contract kamakalawa.

Ang iba pang sumaksi ay sina Cebu Provincial Administrator Atty. Mark Tolentino at Cebu Provincial Sports Commission (CPSC) executive director Atty. Ramil Abing.

Ang mga inaasahang sasali ay sina Ben Allen, Jacqui Slack, Bradley Weiss, Lizzie Orchard, Carina Waisle, Sam Osborne at Kieran Mcpherson.

Target ng SEI na makaakit ng 300 hanggang 400 partisipante sa 1.500m swim, 40km off-road bike at 10k trail run event na suportado ng Alcoplus, Sanicare, The Philippine Star, 2GO Express, Cetaphil, Prudential Guarantee, Columbia, Garmin, Tri Life, Cignal Hyper TV, Rocktape, Gatorade, MNTC at Storck.

Magsisimula at magtatapos ang karera sa Coco Palm Beach Resort. Itatampok din sa event ang individual at relay competitions.

 

Show comments