MANILA, Philippines - Simula ngayong araw (Pebrero 21), maaari nang magpatala ang gustong lumahok sa 2017 Manila Bay Seasport Festival sa Manila Broadcasting Company.
Ang proyektong ito ng MBC at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ay tatampukan ng pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race at mga batikang bangkero mula sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.
Nakalaan sa naturang event ang mahigit P500 milyon na papremyo sa mga karera kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga itinuturing na atletang dagat.
Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.”
Para sa detalye, tumawag kay Lida Aquino sa 0915-242-7426. First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok.