Spanish rider sa Stage 3 ng Le Tour
DAET, Camarines Norte, Philippines - Nakuha ni Fernando Grijalba ng Spain ang 177.35-km third stage ngunit nanatili pa rin si Daniel Whitehouse ng Terrenganu Cycling team sa overall leadership ng four-day 8th Le Tour de Filipinas mula sa Naga City hanggang dito.
Dahil sa panalo, ang 26-anyos na si Grijalba na taga- Laguna de Duero, isang lungsod sa north ng Madrid, ay umakyat sa ikalawang puwesto sa general classification mula sa ika-apat na puwesto bago simulan ang ikatlong lap.
Tinalo ni Grijalba sina Benjamin Hill ng Attaque Team Gusto at Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling sa kanilang identical clocking na apat na oras, 14 minuto at tatlong segundo kasama rin sa grupo ang 13 iba pang siklista.
Mahigit 23 segundo na lang ang layo ni Whitehouse kay Grijalba mula sa dalawang minuto.
Si Hill naman ay bumaba sa ikatlong puwesto pero nnatapyasan niya ang kalamangan ni Whitehouse sa 24 segundo na lamang.
“I just kept my pace and attacked in the final kilometers because I know it’s hilly,’’ ayon kay Grijalba.
Sa overall standing, bumagsak si Suzuki sa ika-apat na puwesto pero nakakain ng mahigit 27 segundo sa likuran ni Whitehouse kasunod sina Salvador Guardiola ng Team Ukyo, 2015 champion Thomas Lebas ng Kinan Cycling at Edgar Nieto ng 7Eleven-RBP.
Dumating sa finish line si Whitehouse na may 1:27 agwat sa lead pack kasama sina Filipino climb specialist Mark Galedo ng 7Eleven-RBP.
Ang apat na araw na karera ay suportado ng Petron, UPS, Philippine Airlines, Advanced Solutions Inc., Cargohaus Inc., CCN Sports Philippines, IWMI, NMM Customs Broker, Phenom Sportswear, UFL Philippines at WARM.