Rubio bumida sa OT win ng Wolves sa Magic

Naghanap ng mapapasahan si Timberwolves guard Ricky Rubio dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Nikola Vucevic ng Magic sa first quarter.

MINNEAPOLIS - Nag­sal­pak si Ricky Rubio ng career-high na anim na three-point shots para pa­mu­­nuan ang 111-105 overtime win ng Timberwolves laban sa Orlando Magic.

Kumamada ang Minnesota ng kabuuang 12 tri­ples laban sa Orlando.

Tumipa si Andrew Wiggins ng isang long jumper mula sa assist ni Rubio pa­ra itabla ang Timberwolves sa 98-98 sa huling 10 segundo, habang sinupalpal ni Karl-Anthony Towns ang 3-point attempt ni Elfrid Payton ng Magic para itulak ang extension period.

Tumapos si Wiggins na may 27 points para sa ika-19 panalo ng Minnesota sa 38 laro.

Nagdagdag naman si Rubio ng 22 points tampok ang 7-of-16 fieldgoal shoo­ting kasama ang 6-of-9 clip sa 3-point range.

Nagtala rin ang point guard mula sa Spain ng 8 rebounds at 8 assists.

Humakot si Towns ng double-double sa kanyang 23 points at 12 rebounds pa­ra sa ikalawang sunod na panalo ng Timberwolves matapos talunin ang Brooklyn Nets.

Pinamunuan ni Payton ang Magic sa kanyang 21 points at nagposte si Serge Ibaka ng 17 points at 10 re­bounds.

Sa Dallas, tumapos si Yogi Ferrell na may ca­reer-high 19 points para tu­lungan ang Mavericks sa 104-97 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

Binanderahan ni Harri­son Barnes ang Mavericks sa kanyang 24 points at season-high 11 rebounds para sa ikalawa niyang dou­ble-double sa season, ha­bang umiskor si Wesley Matthews ng 21 points.

Hindi naglaro para sa Ca­valiers si Kevin Love na may back spasms.

Pinangunahan ni Le­Bron James ang Cleveland sa kanyang 23 points, ngunit may mahinang 2-of-14 shooting sa three-point range at nakagawa ng 11 sa kabuuang 17 turnovers ng koponan.

Sa Miami, naglista si guard Goran Dragic ng 20 points, habang nagdag­dag si Dion Waiters ng 19 mar­kers para igiya ang Heat sa 104-96 panalo laban sa Brooklyn Nets.

Ito ang pang-siyam na su­nod na arangkada ng Miami at ang ikaapat na pi­nakamahabang winning streak ngayong season matapos ang Golden State Warriors (12 games), Houston Rockets (10) at San Antonio Spurs (9).

Show comments