MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Prima Pasta Badminton Championship, nasa kanilang ika-10 taon, ang lahat ng badminton players sa buong bansa na lumahok sa annual tournament na nakatakda sa Pebrero 23, 24, 25 at 26 at sa Marso 4 at 5 sa Powersmash Badminton Courts sa Pasong Tamo, Makati City.
Higit sa 2,000 partisipante mula sa iba’t ibang siyudad at probinsya ang inaasahang sasali sa six-day tournament na inorganisa ni committee chairman Alexander Lim katuwang ang Philippine Badminton Association (PBA) at may basbas ng Philippine National Ranking System (PNRS).
Ang mga events sa torneo na suportado ng Babolat at SMART Communications sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation, ay ang Men’s Doubles at Mixed Doubles mula sa Open class hanggang sa Levels A at G habang ang Open Class at Levels B hanggang F ay nakahanay sa Women’s Doubles.
Ang Open singles ay para sa men’s at women’s category.