SnCeres mapapalaban sa AFC Cup

MANILA, Philippines - Mapapasama ang Ceres Negros-Philippines sa Group G ng 2017 Asian Football Confederation (AFC) Cup na magsisimula sa Pebrero.

Mapapalaban ang United Football League runner-up Ceres sa Tampines Rovers-Singapore, Felda United-Malaysia at Hanoi T&T-Vietnam.

Nasa Group F naman ang Global Football Club kasama ang Magwe-Myanmar, Johor Darul Tazim-Malaysia at isa pang koponan na lulusot sa qualifying event.

Pasok naman sa Group A ang Al Zawraa-Iraq, Al Jaish-Iraq at Al Ahli-Kuwait habang nasa Group B ang Al Hidd-Qatar, Al Quwa Al Jawiya-Iraq, Safa-Lebanon, Al Wahda-Syria, Group C ang Al Wehdat-Jordan, Al Muharraq-Bahrain, Saham-Oman Nejmeh-Lebanon, Group D ang Istiklol-Tajikistan, Altyn Asyr-Turkmenistan at Alay Osh-Kyrgyzstan, at Group E ang Bengaluru-India, Maziya-Maldives at Dhaka Abahani-Bangladesh.

Kasama sa Group H ang Yadanarbon-Myanmar, Than Quang Ninh-Vietnam at Lanexang United-Laos, at Group I ang April25-North Korea, Taiwan Power Company-Chinese Taipei at Rovers-Guam.

Lalaruin ang group stage simula sa Pebrero 20 hanggang Mayo 31 sa iba’t ibang venues.

Ang mga mangunguna sa bawat grupo ang siyang uusad sa knockout stage na idaraos sa huling bahagi ng 2017. 

Show comments