MANILA, Philippines – Inangkin ni Khim Iglupas ang isang semifinals berth matapos pitasin ang 6-3, 1-6, 6-4 panalo laban kay Ange Oby Kajuru sa girls’ singles ng Phinma-PSC International Juniors Tennis Championships Week 2 sa Philippine Columbian Association courts kahapon sa Paco, Manila.
Nakabangon ang top seeded Filipina ace sa kanyang kabiguan sa second set bago tuluyang sibakin ang kanyang Japanese rival sa huli sa dalawang Grade 4 ITF 18-under category events na itinataguyod ng Phinma Group of Companies at Philippine Sports Commission.
Walang epekto kay Iglupas ang pagpapalit ng venue nang angkinin ng top Philippine Tennis Academy mainstay ang opening frame bago agawin ni Kajuru ang second set.
Subalit nakabalik sa porma ang Iligan City native sa third frame para umabante sa Final Four laban sa mananalo kina Shiho Tsukua ng Japan at Li Xuanjin ng China.