4 Pinoy wushu artists isasabak sa Sanda World Cup sa China

MANILA, Philippines – Ipaparada ng Pilipinas ang apat na matitikas na wushu artists sa prestihiyo­song 2016 Sanda World Cup na gaganapin mula Nobyembre 4 hanggang 6 sa Xian, China.

Mangunguna sa kampanya ng Pilipinas ang be­teranong sina Divine Wally at Arnel Mandal na nagnanais maipagtanggol ang kani-kanilang korona na nakuha noong nakaraang taon.

Galing si Wally sa impre­sibong kampanya sa Asian Wushu Cham­pionships matapos makasungkit ng gintong medalya sa women’s 48 kgs.

Sasabak din sina In­cheon Asian Games vete­ran Francisco Solis at Hergie Bacyadan kung saan pa­kay naman ng dalawang fighters na malampasan ang kanilang bronze-medal fi­nishes sa 2015 edisyon.

Masisilayan si Mandal sa men’s  52 kgs., habang sa­salang si Francisco sa men’s  60 kgs.

Magtatangka sa gintong medalya si Bacyadan sa men’s 65 kgs.

Umalis na kahapon ang pambansang delegasyon na ipinadala ng Wushu Fe­deration of the Philippines.

Show comments