Iral kampeon sa Milo Checkmate

MANILA, Philippines – Pinamahalaan ng 11-anyos na si Jean Romelind Iral ng San Sebastian College ang intermediate division ng Milo Checkmate year-round chess program sa Robinsons Place Las Piñas.

 Nagsulong ang 11-anyos na si Iral ng kabuuang 4.0 points matapos ang apat na rounds sa one-day event na hangad sundan ang inilalaro ng mga estudyanteng binigyan ng dalawang linggong chess lessons.

Pumangalawa naman ang kanyang 10-anyos na kapatid na si Jalen kasunod si Kim Andreinelle Lavapiez.

Ang iba pang pumuwesto sa kani-kanilang dibisyon ay sina (Rayver Sancho (Beginners 1) at si Jeremiah Garcia (Beginners 2).

Ang mga tropeo at medalya ay nagmula sa Milo, habang ang lahat ng partisipante ay binigyan ng Certificates of Participation.

Samantala, ang special series ng year-round program ay idaraos sa Nobyembre 12 hanggang Disyembre 10.

Maaaring bisitahin ang MCC facebook fan page: milo checkmate chess clinics and sports academy o tumawag sa MCC sa 0922-822-6319 at 0922-310-2276.

Show comments