Tigresses pakay ang semis vs Power Smashers

MANILA, Philippines – Puntirya ng University of Santo Tomas na ma­isukbit ang unang silya sa Final Four sa pagsabak nito laban sa Laoag ngayong araw sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Aarangkada ang bak­bakan ng Tigresses at Power Smashers sa alas-6 ng gabi habang aariba rin ang paluan ng Philippine Coast Guard at Philippine Air Force sa alas-4.

Bigo ang UST na ma­kuha ang Final Four slot matapos lumasap ng 17-25, 24-26, 15-25 sa kamay ng Bureau of Customs dahilan upang mahulog ito sa 4-1- baraha.

Nakapaglaro nang muli si Cherry Ann Rondina na galing sa kampeonato sa UAAP Season 79 beach volley subalit hindi pa ito nakakaagapay sa indoor game.

Ngunit inaasahang reresbak si Rondina na isa sa pinagkukunan ng lakas ng UST gayundin sina open hitter EJ Laure na siyang No. 2 sa scoring sa liga at team captain Pam Lastimosa.

 

Show comments