MANILA, Philippines – Pumuwesto sa ika-16 si Lara Posadas matapos ang first block sa women’s division ng 52nd QubicaAMF Bowling World Cup international finals na ginaganap sa Hao’s Bowling Center sa Shanghai, China.
Naglista ng kabuuang 996 pinfalls si Posadas na galing sa 180, 267, 210, 167 at 172 na produksiyon sa five-game first block kung saan nanguna sina Danielle McEwan ng Amerika na nagtala ng 1,157 pinfalls.
Pasok sa Top 10 sina Lisa John ng England (1,126), Sharon Limansantoso ng Indonesia (1,074), Iliaba Lomeli ng Mexico (1,060), Bernice Lim ng Singapore (1,058), Rebecca Whiting ng Australia (1,039), Tana Cuva ng Switzerland (1,039), Krista Pollanen ng Finland (1,036) at Shir Azulay ng Israel (1,030).
Sa men’s division, nasa ika-29 posisyon si Raoul Miranda na may 1,920 pinfalls matapos ang second block.
Nakakuha si Miranda ng 205, 188, 172, 162 at 199 sa first block at 186, 201, 180, 199 at 228 sa second block.
Nasa unang puwesto si Yan Korshak ng Russia na may 2,178 pinfalls kasunod sina Martin Larsen ng Sweden (2,152), Kent Marshall ng Amerika (2,145), Sam Cooley ng Australia (2,133)Wang Hongbo ng China (2,049).