MANILA, Philippines – Tinapos ng Meralco ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para pormal nang umabante sa quarterfinal round.
Tinakasan ng Bolts ang Mahindra Enforcers, 86-83, sa likod ng 34 points at 17 reobunds ni import Allen Durham sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Isinara ng Meralco ang kanilang mga laro sa eliminasyon sa 6-5 katabla ang Mahindra sa ilalim ng mga quarterfinalists na TNT Katropa (8-1), Barangay Ginebra (7-2) at nagdedepensang San Miguel (7-3).
Dahil dito ay nakahirit ang Bolts ng playoff para sa pang-apat at huling ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
“It’s nice to win a close game for a change,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion head coach Norman Black.
Nakahugot ang Meralco ng 12 points kay Jared Dillinger at 10 markers kay Chris Newsome.
Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 5, 6, 7 at 8 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.
Kinuha ng Bolts ang 13-point lead, 58-45, sa pagbubukas ng third period bago naagaw ng Enforcers ang 83-82 bentahe sa 2:04 minuto ng final canto.
Meralco 86 - Durham 34, Dillinger 12, Newsome 10, Hugnatan 9, Alapag 7, Amer 4, Hodge 3, Uyloan 3, Faundo 2, Nabong 2, Al-Hussaini 0.
Mahindra 83 - White 27, Ramos 17, Revilla 12, Yee 9, Taha 8, Aguilar 4, Guinto 2, Digregorio 2, Agovida 2, Mandani 0, Webb 0, Galanza 0, Bagatsing 0, Ballesteros 0, De Vera 0.
Quarterscores: 25-22; 50-45; 71-62; 86-83.