UAAP schedule
(UST Quadricentennial Pavilion)
2 p.m. Ballroom dance competition
(UST Plaza Mayor)
5:30 p.m. Opening Ceremony/Concert
MANILA, Philippines - Mula sa pangkaraniwang opening ceremony sa indoor, aarangkada ang UAAP Season 79 sa pamamagitan ng mala-Olympics na estilo ng opening rites kung saan masisilayan ang palabas at presentasyon sa UST quadrangle sa España, Manila.
Magsisimula ang programa sa alas-2 ng hapon tampok ang ballroom dance competition sa UST Plaza Mayor habang gaganapin ang opening ceremony sa alas-5:30 ng hapon na agad na susundan ng konsiyerto at palabas tampok ang mahuhusay na banda sa bansa.
Matapos ang opening ceremony, sisimulan ang bakbakan sa men’s basketball bukas (Linggo) sa Araneta Coliseum kung saan maghaharap ang University of the Philippines at Adamson sa unang laro sa alas-2 kasunod ang duwelo ng host University of Santo Tomas at Ateneo sa alas-4.
Maglalaro rin ang Lady Maroons at Lady Falcons sa alas-8 ng umaga gayundin ang Tigresses at Lady Eagles sa alas-10 sa women’s division.
Magkakaroon ng “Thomasian Welcome Walk” sa Plaza Mayor.
Nakahanda naman ang UST sa posibleng pag-ulan kaya naglagay ito ng mga posibleng silungan ng mga dadalo sa pagtitipon.
Samantala, tiwala ang University of the East na makababalik ito sa Final Four matapos mabigong makapasok sa semis sa huling tatlong edisyon ng liga.
Pumang-anim lamang ang UE (7-7) noong 2013, ikalima (9-5) noong 2014 at ikaanim (6-8) noong 2015.