Lalabanan daw ni Floyd Mayweather Jr. ang maangas na UFC superstar na si Conor McGregor.
Nung una, kala ko joke.
Pero mukhang seryoso si Floyd. Kakalas lang daw siya sa retirement kung si McGregor, na tubong Ireland, ang kanyang kakalabanin.
May negotiations na raw na nagaganap.
Mukhang totohanan. Sinabi pa ni Floyd na sigurado siyang bibilhin ng tao ang labanan ng isang champion boxer at champion UFC fighter.
Ang kanyang prediction: Lalampasan nila ang mahigit apat na milyon na pay-per-view buys ng kanyang laban kay Manny Pacquiao nung 2015.
Bakit si McGregor? Marami namang iba dyan.
Bakit hindi niya labanan si Canelo Alvarez? O si Genady Golovkin?
O kaya ay si Pacquiao ulit.
Ewan kung ano ang pumasok sa isip ni Mayweather para labanan si McGregor.
Hindi professional boxer si McGregor. UFC fighter ito. Sanay sa sipaan, sakalan, sikuhan. Magaling si McGregor. Pero hindi siya boxer.
Ano kaya ang kalalabasan ng laban? Rules daw ng boxing ang gagamitin.
Ang feeling siguro ni Floyd, kayang-kaya niyang boksingin si McGregor at kung tatamaan niya ng maganda ay kaya niyang patumbahin.
Kung matuloy ang laban, ano naman kaya ang gagawin ni McGregor laban sa isang mailap na boksingero gaya ni Floyd.
Baka ma-frustrate lang si McGregor.
Natatakot ako na baka mapikon si McGregor kakahabol kay Floyd ay subukan niya itong i-wrestling, itumba at pagbabanatan habang nakahiga.
Panoorin nga kaya ng tao ang laban?
Sa tingin ko ay oo.
Yung mga mahilig sa circus.