Cavaliers, Spurs lumapit sa sweep; Celtics humirit naman sa Hawks

AUBURN HILLS, Michigan — Humataw si LeBron James ng 20 points at 13 rebounds, habang nagsalpak si Kyrie Irving ng dalawang mahalagang three-pointers sa dulo ng fourth quarter para tulungan ang Cleveland Cavaliers na makalapit sa first-round sweep mula sa 101-91 panalo laban sa Detroit Pistons.

Tumapos si Irving na may 26 points para sa Cleveland para talunin ang Detroit sa kanilang unang home playoff game sa kanilang tahanan matapos noong 2009.

Umiskor naman si Andre Drummond ng 17 points para sa Pistons.

Kinuha ng Cavs ang 3-0 kamalangan sa serye at maaaring tuluyan nang tapusin ito sa Game 4 sa Linggo.

Nalasap ng Pistons ang kanilang 11 sunod na playoff games laban sa Cleveland.

Nakadikit ang Detroit sa isang puntos matapos magpakawala ng 8-0 atake bago isinalpak ni Irving ang isang 3-pointer kasunod ang tres ni J.R. Smith para muling ilayo ang Cleveland sa 95-90.

Muling tumipa si Irving ng isang triple para sa eight-point lead ng Cavaliers sa huling minuto ng laro.

Sa Memphis, umiskor si Kawhi Leonard ng 32 points para pangunahan ang 96-87 panalo ng San Antonio Spurs laban sa Grizzlies at iposte ang 3-0 bentahe sa kanilang Western Conference first-round series.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Spurs para sa kanilang pang-siyam na postseason series sweep at ikatlo kontra sa Grizzlies.

Tinapos ng San Antonio ang laro sa pamamagitan ng 13-6 atake sa huling 3:41 minuto.

Umiskor si Leonard, ang two-time Defensive Player of the Year, ng 13 points sa fourth quarter.

Nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 16 points at 10 rebounds, habang may tig-11 markers sina Danny Green at Manu Ginobili para sa Spurs.

Sa Boston, nagpasabog si Isaiah Thomas ng career-high na 42 points para ihatid ang Celtics sa 111-103 panalo kontra sa Atlanta Hawks sa Game Three ng kanilang Eastern Conference first-round series.

Nag-ambag si Evan Turner, ipinasok sa starting lineup, ng 17 points at 7 assists, samantalang naglista si Amir Johnson ng 15 points at 7 rebounds para sa 1-2 agwat ng Celtics sa kanilang serye ng Hawks.

Lumamang ang Boston ng 20 points bago naghulog ang Atlanta ng 12-0 atake para makalapit sa third quarter.

Binanderahan ni Jeff Teague ang Hawks sa kanyang 23 points.

Nagdagdag naman sina Kent Bazemore at Dennis Schroder ng tig-20 markers para sa Atlanta.

Nakatakda ang Game Four sa Linggo sa Boston.

 

Show comments