Bakers, Maroons makikisalo sa unahan

MANILA, Philippines – Target ng Cafe France at University of the Philippines QRS/JAM Liner na makisalo sa liderato sa kanilang paghaharap nga­yong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engku­wentro ng Cafe France at UP QRS/JAM Liner sa alas-4 habang magkukrus ang landas ng Mindanao Aguilas at Tanduay sa u­nang laro sa alas-2.

Ang Cafe France at UP QRS/JAM Liner ay nakatali sa three-way tie sa ikala­wang puwesto kasama ang Phoenix-Far Eastern University tangan ang pare-parehong 2-0 rekord.

Nasa solong pamumuno ang Caida Tile na may malinis na 3-0 baraha.

Galing ang Bakers sa 110-86 panalo laban sa BDO-National University noong Huwebes ngunit  hindi pa rin kuntento si coach Egay Macaraya sa inilalaro ng kanyang bataan.

Pangungunahan ang Bakers ni Congolese center Rod Ebondo kasama sina Joseph Ryan Celso, Bryan Cruz Rodney De Leon.

Show comments