UP batters binokya ang Ateneo

MANILA, Philippines – Sumandal ang University of the Philippines sa mahusay na pitching ni Cochise Bernabe para patumbahin ang Ateneo, 11-0, sa sa pagbubukas ng UAAP Season 78 women’s softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Pinatalsik ni Bernabe ang anim na batters ng Lady Eagles para ibigay sa Lady Maroons, ang 2015 runner-up, ang panalo.

Sa iba pang laro, pinayukod naman ng University of Santo Tomas, sa pagbibida ni pitcher Mary Ann Antolihao, ang University of the East, 4-0, habang dinaig ng National University ang De La Salle, 10-2.

Sisimulan naman ng Adamson University, nagposte ng 62-0 record, ang kanilang pagtarget sa ikaanim na sunod na korona sa pagharap sa UST bukas ng alas-9 ng umaga sa Malate venue.

Samantala, pupuntiryahin ng Ateneo ang titulo ng juniors crown sa pakikipagtuos sa De La Salle-Zobel ngayong alas-9 ng umaga.

 

Show comments