Huey-Klepac tandem pasok sa semis

MANILA, Philippines – Sinorpresa nina Filipino-American Treat Conrad Huey at Slovenian Andreja Klepac sina third seeds Chan Yung-Jan ng Chinese-Taipei at Rohan Bopanna ng India, 6-2, 7-5 upang umusad sa mixed doubles semifinals ng prestihiyosong Australian Open na ginaganap sa Melbourne.

Nagtala ng pinagsamang 59 puntos tampok ang apat na aces sina Huey at Klepac upang pigilan sina Chan at Bopanna sa larong tumagal lamang ng 55 minuto.

Makakaharap nina Huey at Klepac sa semis sina Coco Vandeweghe ng United States at Horia Tecau ng Romania na nagtala rin ng 6-3, 6-7 (5), 10-6 upset win laban kina No. 2 American pair Bob Bryan at Bethanie Mattek-Sands.

Sa men’s doubles, yumuko sina Huey at Max Mirnyi ng Belarus laban kina Daniel Nestor ng Ca­nada at Radek Stepanek ng Czech Republic sa quarterfinals, 4-6, 4-6.

Show comments