MANILA, Philippines – Kasalukuyan nang naghahanap ang Globalport Batang Pier ng isang malakas na import para sa darating na 2016 PBA Commissioner’s Cup.
Sinabi ni Erick Arejola, kinatawan ng Globalport sa PBA board, na hindi sila nagmamadali sa paghahanap ng matinding big man na maaring muling magpasok sa kanila sa Final Four kagaya sa 2016 Philippine Cup.
“We’re not in a hurry to get one. We think it won’t hurt us to be meticulous in our choice. The idea is to bring one who can really help us. We finished fourth in the all-Filipino. We definitely can’t aim for lower than that,” wika ni Arejola.
Nakita ng Batang Pier ang kanilang potential import na si Keith “Tiny” Gallon, ngunit naunahan sila ng isang NBA D-League team mula sa Chinese league sa paghugot sa Milwaukee Bucks 2010 second-round draft selection.
“It’s okay because we had yet to make a deal with him,” wika ni Arejola sa 6-foot-9 center/forward.
Idinagdag ng PBA vice chairman na ang isang malakas na sentro ang susukli sa matindi nilang backcourt duo na sina Terrence Romeo at Stanley Pringle na gumiya sa Globalport sa Philippine Cup semifinal showdown sa Alaska Milk.
Tinalo ng Batang Pier ang Aces sa Game One bago natalo sa sumunod na tatlong laro
“We’re exposed by Alaska as a team in need of help at frontline,” ani Arejola.
Ipinaparada ni Globalport coach Pido Jarencio sina Jay Washington, Doug Kramer, Billy Mamaril, Rico Maierhofer at Prince Caperal sa frontcourt.
Ang kawalan ng matibay na sentro ang naging prolema ng koponan sapul nang sumali sa PBA noong 2012.
Noong 2015 Commissioner’s Cup ay nabigo ang Batang Pier sa playoff phase mula sa mahina nilang 4-8 win-loss mark sa pagbandera kina imports CJ Leslie, Calvin Warner at Derrick Caracter.
Sa Governors Cup ay pumang-apat naman ang Batang Pier sa elims bago sinibak ng Star Hotshots sa quarterfinals.