MIAMI -- Mas gusto ni Kobe Bryant na ibigay sa iba pang players ang pagkakataong makapaglaro sa Olympic Games.
Kusang inalis ni Bryant ang kanyang pangalan sa mga ikinukunsidera para sa U.S. team na lalahok sa Rio de Janeiro Olympics.
Ito ay nangangahulugan na opisyal nang magsisimula ang pagreretiro ng five-time NBA champion sa pagtatapos ng kanyang ika-20 at final season sa Los Angeles Lakers.
Ginawa ni Bryant ang announcement sa Salt Lake City bago ang laro ng Lakers kontra sa Jazz.
‘’Since my retirement announcement, I’m able to watch these guys in a different light,’’ pahayag ni Bryant, isang gold medalist noong 2008 at 2012.
Ipinaalam na niya kina USA Basketball chairman Jerry Colangelo at Olympic coach Mike Krzyzewski ang kanyang plano at sinabing gusto niyang bigyan ang iba ng pagkakataong maranasan ang Olympic journey.
Nabanggit na ni Bryant sa isa pang player ang kanyang desisyon.
Nang maglaro ang Lakers sa Golden State noong Huwebes ay nilapitan siya ni Warriors guard Leandro Barbosa, isang Brazilian at sinabi sa kanyang ‘’See you in Rio.’’
‘“I just turned around and went, ‘Nooooo,’’ sagot ni Bryant, ang No. 3 all-time scorer ng NBA.