NBTC programs pinalaki

MANILA, Philippines - Malalaking plano at programa para sa mga players at coaches ang isasagawa ng National Basketball Training Center (NBTC) sa kanilang pang-walong taon.

Ito ang inihayag kahapon ni Eric Altamirano, ang NBTC national program director, sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama sina multi-titled coach Ato Badolato, collegiate standout Mike Tolomia at SM Lifestyle Entertainment Inc. sports development program head CJ Suarez.

Sa Pebrero ay magdaraos ang NBTC ng regional championships sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang top 24 teams ang aabante sa National Championship.

Sinabi ni Badolato na gagawin ang national event sa March 13-17 sa Mall of Asia Arena.

Noong nakaraang finals ay tinalo ng Sacred Heart of Cebu ang San Beda.

 Isang All-Star game tampok ang mga top high school players sa bansa ang pinaplano ng NBTC.

Show comments