MANILA, Philippines – Sinimulan na ng trainer ni Timothy Bradley ang kanyang trabaho para sa ikatlong paghaharap ng American fighter at ni Manny Pacquiao sa Abril 9.
Sinabi ni Teddy Atlas, ang bagong chief trainer ni Bradley, na pinag-aaralan na niya ang nakaraang dalawang laban nina Pacquiao at Bradley noong 2012 at 2014.
Isang kontrobersyal na split decision win ang kinuha ni Bradley sa una nilang laban ni Pacquiao bago nakabawi ang Filipino boxing superstar sa kanilang rematch matapos ang dalawang taon.
Para sa pangatlong banggaan nina Bradley at Pacquiao ay hindi na nag-aksaya ng kanyang oras si Atlas.
“I already looked at it,” sabi ni Atlas sa ESPN.com para sa ‘trilogy’ nina Bradley at Pacquiao na gagawin sa MGM Grand sa Las Vegas. “I don’t believe in waiting.”
Hinimay ni Atlas ang unang dalawang laban at naghanap ng paraan para maipanalo si Bradley.
“When this fight was first discussed, I looked at it and I see what I should see and I see why Pacquiao was able to be effective and why Tim was able to be effective at the times when he was effective,” wika ni Atlas.
“It’ll be a tough challenge, but we’ll make sure we’re ready for (it). Will do what we’re supposed to do and be 100 percent prepared. It will be a difficult fight,” dagdag pa nito.
Ang April 9 rubber match ang magiging pinakahuling laban ni Pacquiao.
“My April 9 fight against Timothy Bradley will be my last,” wika ni Pacquiao, tatakbong Senator sa May 9, 2016 Philippine elections. “I’m retiring from boxing to focus on my new job,” dagdag pa ng Pambansang Kamao.