MANILA, Philippines – Inangkin ng Berkeley School at Ateneo de Davao University ang Sportsmanship award sa SBP-Passerelle Twin Tournament 2015 National Finals. Kinikilala ng Sportsmanship Award hindi lamang ang mga players kundi pati ang kanilang mga fans, coaches, school officials at parents na nagpakita ng pagpapakukumbaba at patas na laro sa torneo. Ang Berkeley School at Ateneo de Davao ang halimbawa para sa mga cagers na nagpapakahusay sa pagsali sa award-winning sports clinic BEST Center na nagtuturo ng fundamentals ng basketball, character-forming values kagaya ng discipline, sportsmanship at camaraderie.